Sinimulan na kahapon ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng pinakamalaking grupo ng mga rebeldeng Muslim sa Malaysia.
Ipinahayag ng mga negosyador mula sa magkabilang panig na layunin ng weekend talks sa Malaysia na mapag-usapan ang mga detalye ng peace road map ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“They will discuss the road map to clarify certain issues. But let me warn everyone, it is not an easy task. It is very complicated,” pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa mga reporter sa Kuala Lumpur.
Tinawag ni Dureza ang binuhay na peace talks sa Malaysia mula nang umupo sa Malacañang si Pangulong Duterte na isang “big milestone for peace in Mindanao”.
Sinabi naman ni Moro Islamic Liberation Front (MNLF) chief Murad Ebrahim na tatanggapin niya kung sasama sa transition commission ang kapwa Muslim rebel na si Nur Misuari, chairman ng Moro National Liberation Front (MNLF), para maitatag ang “Bangsamoro” autonomous region sa Mindanao.