Huling elims round ng “Lakpue Drug Inc. (LDI) Pearl Cup 5-Cock Derby” ang ikakasa sa air-conditioned San Juan Coliseum ngayong Enero 16 tampok ang 60 sultada.
Hahabol ang mga kalahok sa garantisadong isang milyong piso at 125 cc brand new motorcycle.
Tatanggapin din ang straight five cocks sa SJC sa Enero 23 (grand finals).
Sa mga magpasok ng straight five cocks, ang entry fee ay P5,500 (re-entry) at P11,000 kung bagong entry.
“Sigurado na ang 150 sultada sa grand finals, maaga ang umpisa sa Enero 23 at libre ang dinner at product giveaways ng LDI,” pahayag ni LDI boss Ricky Castillo kahapon.