Tinalbos ng National University ang University of the Philippines 4-1 upang manatiling malinis ang karta sa men’s team sa UAAP Season 81 badminton tournament kahapon sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Pinangunahan ni former MVP Ross Lee Pedrosa ang panlalapa ng Bulldogs, pinahaba ng reigning champions ang kanilang winning streak sa apat.
Samantala, kinaldag ng Ateneo ang University of Santo Tomas 5-0 at sila na lang din ang undefeated team sa women’s division matapos payukuin ng De La Salle ang titleholder UP 3-2.
Pinagpag ng NU ang University of the East 5-0 sa ibang laro.
Si Iyah Sevilla ang naging susi sa panalo ng Lady Shuttlers sa deciding singles upang makapuwersa ng three-way tie kasama ang Lady Maroons at Lady Bulldogs na may tig 3-1.
Walang bahid ang karta ng Lady Eagles sa apat na laro.
Sa ibang men’s ties, inungusan ng Ateneo ang Adamson University 5-0 upang saluhan ang UP sa second place na may parehong 3-1 card habang sinakmal ng UST ang unang panalo matapos ibalibag ang UE 5-0.