Pekeng NBI agent kalaboso sa pambubogbog

Patong-patong na kasong kriminal ang kinakaharap ngayon ng isang lalaking nagpakilalang abogado at agent ng National Bureau of Investigation (NBI), dahil sa pananakit diumano niya sa kanyang live-in partner sa Meycauayan City, Bulacan.

Kulong ang suspek na si Jeffrey Acero alyas ‘Atty. Serafin Dela Cruz’, 31, matapos umanong saktan ang hindi na pinangalanan niyang kinakasama sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan City.

Nabatid na ang suspek na si Acero ay inaresto noong Biyernes ng madaling-araw ng pulisya matapos humingi ng tulong sa barangay tanod ang kinakasama nito na kanyang sinaktan at sinuntok pa sa kanang mukha sa kanilang tirahan sa nasabing barangay.

Nang rumesponde ang mag opisyal ng barangay at nadatnan ng mga ito na may baril si Acero, kaya naman humingi sila ng tulong sa Meycauayan City Police para maaresto ang suspek.

Nakuha sa suspek ang sang Glock 17 Caliber 9mm na may apat na magazine at 30 bala. Nang berepikahin, natuklasan na natuklasang expired na ang permit to carry firearms nito. Nadiskubre rin na gumagamit ang suspek ng iba’t ibang pangalan sa kanyang NBI identification card na binigay ng kanyang kinakasama sa pulisya.

Kasong paglabag sa illegal possession of firearms and ammunition, disobidience and resistance to agent of persons in authority, resisting arrest, usurpation of authority at using fictitious name, at Anti-Violence Againts Women and their children ang mga kasong kakaharapin ng suspek. (Jun Borlongan)