Nakakatanggap umano ng malaking halaga ang militar sa kada ulo ng sumusukong umano’y mga pekeng rebeldeng grupo ng New People’s Army (NPA), ayon sa isang mapagkakatiwalaang source.

Dahil dito ay umani ng samu’t saring komento sa social media ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na makitang ang naka-photoshop ang la­rawan ng mga sinasabing sumukong komunista.

Sa ilang naging komento sa social media, sinabing ang mga edi­ted picture ng mga sinasabing sumukong miyembro ng NPA ay peke dahil mistulang nakalutang ang mga ito habang nasa harap ng mga isinurender nilang armas.

“Exposed ang AFP na fake news mga sumusukong NPA keme. Pinagkakakitaan na naman ‘yang govt program dati may fake surrenderees, ngayon mukhang mauuso na ang inexistent surrenderees. Dito napupunta buwis ng taumbayan,” base sa tweet ni @TheKejOfGlory.

“NPA surrenderees” confirmed fake news because of poor Photoshop skills (god afp pay your pr people better lol),” komento naman ni @marvmdus.

Sa tweet naman ni @EspinaNonoy, nagpapalusot lamang ang militar dahil puwede namang blurred ang itsura ng surrenderee. ‘Yun kung me­ron man. Saka paano na­ging “honest mistake” ang sinadyang photo manipulation na kindergarten le­vel?”. (Dolly Cabreza)