Pelikula ng JoshLia nagkaaberya

Si Janella Salvador ang makakapareha ni Joshua Garcia sa isang bagong Kapamilya teleserye.

Yes, si Janella na break na kay Elmo Maga­lona at si Joshua na break na kay Julia Barretto ang pagtatambalin sa bagong serye ni Maja Salvador na “The Killer Bride.”

Close friends sina Julia at Janella, so ano ka­yang feeling ni Julia na ang matalik na kaibigan niya pa ang ipapareha sa ex-boyfriend niya?
From JoshLia to JoshNella? Wow!

Well, hindi naman sigu­ro magi­ging sina Janella at Joshua (not for now, at least) dahil balitang inlabey ngayon si Janella sa Fil-Brit model-actor na si Markus Paterson.

May tsikang nasa Japan ngayon ang dalawa at masayang nagliliwaliw sa Osaka. May MarNella (Markus + Janella) pa as of the moment, so pang-work lang muna ang JoshNella.

But who knows, ‘di ba? If ever maging sina Janella at Joshua, maapektuhan kaya ang friendship nina Julia at Janella? Well…

At least, may bagong teleserye na si Janella after a long time. 2016 pa ang huli nila ni Elmo na “Born For You” at puro guesting lang siya.

Si Julia kaya, kanino ipa-partner sa teleserye? Hindi nag-klik ang tandem nila ni Gerald Anderson sa movie, so dapat mabigyan ito ng bagong partner na mala­kas ang hatak at kakagatin ng publiko.

Samantala, kinumpirma ng isang source namin na hiwalay na talaga ang JoshLia at hindi okey ngayon ang dating magsyota.

How true na nagkakaroon ng aberya sa ginagawa nilang pelikula dahil sa nag-iiwasan daw ang dalawa?

Apektado raw tuloy ang mga katrabaho nila at namomroblema kung kailan matatapos ang movie nila!

Kalerky!!!
***

Suman gown ni Paolo laglag sa Bb. Pilipinas

Okey lang kay Paolo Ballesteros kung na-Lotlot man ang kandidatang ginawan niya ng gown sa Bb. Pilipinas 2019 dahil pinag-usapan naman nang bongga ang suman-inspired gown nito.

Suman sa Ibos ang ins­pirasyon niya sa gown ni Honey Grace Cartisano ng Rizal. Sikat daw kasi ‘yon sa Antipolo, sabi sa amin ni Paolo.

Keri lang daw na hindi ito pasok sa napiling Top 10 finalists ng National Costume dahil ang ganda raw ng feedback dito at ang daming nagsasabi kay Pao na dapat ay nakasama ito sa Top 10.

In fairness, ang daming naaliw sa pagrampa ni Honey Grace in her suman gown, tapos ay may dala itong mga su­man sa kanyang kanang kamay.
Bentang-benta lalo na sa mga beks ang paandar na ‘yon ng 25-anyos na kandidata ng Rizal na kagagawan ni Paolo.

Sobrang grateful si Honey Grace sa ‘genius’ daw na si Pao, na sketch pa lang daw ng nasabing gown ay namangha na siya.

In all fairness ay pabulosa ang mga National Costume na napili sa Top 10 kaya pukpukan talaga ang labanan. Masu­werteng napasama sa sampu ang nobya ni Jason Abalos na si Vickie Rushton na suma-sarimanok ang costume.

Pang-apat na gown na pala ito na dinesenyo ni Paolo for a major beauty pageant.

Ang una ay ang Philippine flag-inspired gown ng isang kandidata sa Mutya ng Pilipinas, na sinundan ng isang modern terno sa Bb. Pilipinas, tapos ang pangatlo ay isang modern Filipiniana gown din sa Miss Earth naman.

Sabi namin kay Pao, dapat ay may gawan din siyang kandidata sa Miss World-Philippines para kumpleto na.

Actually, puwedeng gawing career ng napaka-talented at very creative na si Paolo ang pagde-design ng gowns kung gugustuhin niya.

Napakagaling mag-drawing at mag-painting ni Pao at ang dami niyang ideas sa utak niya, so bongga talaga siyang mag-isip ng mga konsepto lalo na ‘yung mga panlaban sa pageant bilang malapit ang beaucon sa puso niya.

Puwedeng kompetensiyahin ni Paolo ang magagaling nating Pinoy designers kung gugustuhin niya.

I’m sure keri rin niyang mag-isip ng pangabog na outfit na tulad ng lava gown ni Catriona Gray na gawa ni Mak Tumang sa Miss Universe!
PAK!!