tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Akala ko ba ang MTRCB eh CLASS­IFICATION BOARD ang main function kaya may makakapagpaliwanag ba sa diva that you love kung bakit ang Martin del ­Rosario-led movie na “Born Beautiful” ay rated R-18 “with cuts?”

Ano ‘yun? Kaya nga “adults,” alam na ang tama at mali, alam na i-separate ang fact at fiction. Sigurado ring alam nilang ang mga buhay nila ay hindi pelikula at hindi sila mga artista. You trust adults to vote, to get married, raise families tapos ‘pag pink themed at prurient, feeling niyo hindi namin kakayanin at maaaring gayahin? Sobrang baba naman ang inyong pagbibigay-ha­laga sa aming collective sense and sensibilities?

Ang nakakapagdabog sa bangs, ang mga name at word na may double meaning at sexual undertone, ang mga grabeng bakbakan at sabugan, ang mga murahan, gahasaan at kung ano-ano pang kabalbalan at kabalaruhaan, ‘yung iba nakakalusot, puwede pa ngang maging PG, huh!

Pero ang mga cine­matic sexual congress at intimate moment, pinagsasaluhan ng mga lalaki at isang transgender, rimarim na rimarim kayo at you think na sa best interest ng thinking at voting public na huwag isama sa pelikula ang mga eksenang asiwa at hindi niyo mabata.

Hindi ba nakakabaliw na dahil sa husay niyong mag-isip sa kapakanan at moralidad ng mga manood na “adults,” may full UNCENSORED VERSION na for one screening only na magaganap sa UP Cine Adarna sa Enero 18 bago pa ang regular screening ng cut version?

Siyempre hindi niyo mababaril ang palabas sa Cine Adarna kasi nga UP is an academe who ­values artistic and creative freedom. They do not undermine how adults feel and think and let them make their own judgments.

Kaya lang, ang MTRCB na dapat classification board, iba ang pananalig at matapos ang isang pelikulang may Aling Fec, Belat, Daks, JunJun at kung ano-ano pa, naging mga “nakakainis na nagmamalinis” dahil nga nais at nais nilang protektahan ang moral fiber nating mga “adult” sa mga physical at intimate moment sa “Born Beautiful.”

Lumuluha na ba kayo sa galak dahil sa kanilang concern? Naglulundag na ba ang karamihan dahil sa ginagawa nila ang kanilang “business?” Palakpakan na may kasamang sigawan ang ating igawad sa mga miyembrong ginagawa lamang ang kanilang “sacred” duty

Thus, I cannot help but wonder, ano nga kaya ang tunay na ­pakiramdam nina Martin, Kiko Matos at Akihiro Blanco na mga bida sa pelikula?

Ang paliwanag ni ­Direk Perci Intalan tungkol dito, “We were asking for an R-16 rating. ‘Die Beautiful’ was R-13 but we recognized that ‘Born Beautiful’ may be more suited for 16 and above. Pero nagulat kami na may mga scene that the board had a problem with. We tried to argue that they were quite cle­verly and tastefully done (I thank the writers for that) and was able to let them allow some but not all. So we had to either delete the scene or remove some lines. May isang eksena na napilitan kaming mag-bleep kasi there’s no other way, pero nakakaaliw naman lumabas.”

Sabi niya pa, “The board eventually allowed us to be R-18. Maybe if we cut more scenes out we could get a lower ­rating, pero masisira na ang integrity ng film. I think ma-e-enjoy naman ng audience ang movie kahit na with cuts. Pero siyempre ‘yung Uncensored Version ang mas true to the original vision, not just mine as director but also of the creative team.”

Very well said ang sagot ni Direk Perci kaya dapat, kahit na anong version, uncut or cut man (juice colored! Parang circumcision lang! Hahaha!) suportahan natin ang “Born Beautiful!”

Juancho naka-move on na kay Maine

Ang may alegasyon dati na boyfriend daw sa dilim ni Maine Mendoza, si Juancho Trivino, mas maliwanag pa sa sikat ang araw na nakapag-move on na kasi nga close, as in super close sila ni Joyce Pring.

The WHO si Joyce Pring? ‘Yun na! Sure ­naman akong hindi rin siya twin sister ni Joyce Ching, na isa pang the WHO! Pring at Trivino, mananalig ba tayong ­lahat na the WHO times two sila?(Alwin Ignacio)