Good gracious, great balls of fire, totoo ba ito?” Iyan ang reaksyon ng inyong diva that you love matapos masilayan ang isang larawang ibinalandra sa Facebook. Sa larawan, makikita na sold-out, not once but twice ang screenings ng Fantastica: the Princesses, the Prince and the Perya.
Ang dahilan sa goodness gracious na reaksyon, ang figure na binilugan sa larawan na ang katabi ay synopsis ng pelikula, P130 ang bayad at may libreng pa-popcorn pa raw. Fake news ba ito o true?
Sa thread, may nagsabi na sa mall kung saan niya pinanood ang pelikula, P250 ang kanyang binayad at yes oh yes, may libreng pa-popcorn rin sa sinehang pinalabas ang Fantastica.
Kung outside Metro Manila ba, halimbawa sa Cavite, Maragondon o Montalban, tama ba na may pagbaba sa presyo ng ticket para sa sine dahil nga hindi na sila Metro Manila. Kung may ganyang batas, maunawaan ko at katanggap-tanggap naman.
Pero kung wala, marketing scheme ba iyan ng mga sinehan na wala sa Metro and Mega Manila section para tiyaking mas marami nga namang manood sa pelikula ni Queen Bayot.
Sa Metro Manila malls, P300 hanggang P310 ang binabayaran para sa MMFF movies. Ano ngayon ang pelikula ni Jose Marie, parang gas lang na mas mababa ang presyuhan ‘pag wala ka sa sphere of Metro Manila?
Kung may ganito nga talagang scheme outside the Metro, ang mga sinehan ba within the Metro, gayahin kaya nila ang ganitong bawas-presyo at may libreng popcorn scheme?
Ang katakaka-taka at nakakahibang, sa pelikula lang ba ni Ganda ang may ganitong pang rahuyo para masiguradong sold-out sila at more chances of winning ang pangunguna?
Pandaraya ba itong matatawag o pang-henyong marketing ploy? Aware kaya ang pamunuan ng MMFF na may ganitong kaganapan? Wala ba silang planong imbestigahan ito in the spirit of fair play?
May nagsumbong sa diva that you love, sa isang mall may nakapansin na bukod tanging Fantastica lang daw ang may express lane para sa mga tickets, ‘yung iba, wala. Totoo rin kaya ang chikang ito?
Ang nagbalandra ng larawan na bagsak-presyo at may pa-popcorn pa ang Fantastica ay isang lalaking kasali yata sa “Boycott the Vice Ganda” movement. Pulos kabalastugan at kababawan daw ang mga pelikula ni Queen Bayot tuwing Pasko kaya may ganitong drama.
Obviously, at hindi na kailangang i-memorize pa, the boycott movement did not materialize. Kahit iharang mo ang sibat at panain ang mga Little Ponnies at madlang pipol, hindi mapipigilan ang kanilang panonood sa pelikula ni Viceral.
As of this writing, ang laban ni Jose Marie versus the Jack Em Popoy team ay neck to neck pa rin.
Sa SM Southmall, tigdalawa na silang sinehan. Sa Vista Mall at sa Robinson’s Las Piñas, may mga pelikulang tinanggal para maibigay sa kanila ang mga sinehan.
Hanggang kailan ang ganitong batas sa MMFF? Na after the second day pa lang, ligwak na agad ang isa o dalawang pelikula at maibabalik lamang sila sa mas malalaking sinehan, kung sakaling sila ay pinalad sa awards night. Nakakalungkot, hindi ba naman?
***
Polo ikakasal na
Engaged na si Polo Ravales sa kanyang non-showbiz girlfriend. May interasado? Parang wala naman kaya next item na tayo. Hahahaha..
***
Angelica natagpuan ang nawawala sa buhay
Kina Angelica Panganiban nag-noche buena ang kanyang screen partner at maaaring boyfriend na for real na si Carlo Aquino iyan ay kung mananalig tayo sa paandar ni Panganiban kay Direk Dan Villegas na nagbigay pugay sa kanilang dalawa ni Carlo, “rekdi! Merry Christmas! Nahanap ko na yung nawawala!”
Si Carlo Aquino na nga lang ba ang kulang sa buhay ng mahusay na aktres? At ngayong hindi na siya “nawawala,” makakaasa na ba tayo na hindi lang silver bells, mas lalong hindi silver lining, kundi wedding bells ang maririnig nating dumadagundong para sa dalawa?
Marami ang nagmahal at yumakap sa Exes Baggage nilang pelikula. At ang mga tagasubaybay nila, nanalig talagang ang closeness, sweetness at lalo na ang time well spent together ay hindi pang-promo lang.
Dahil sa clamor of their loving public, isinali si Aquino sa Playhouse. Mas marami ang tumutok sa morning serye dahil sa pagkasali ni Carlo. Mas lalong marami ang umaasa at nanalig na things are going very well sa dalawa.
In the eventuality na they are together again na, masosorpresa pa ba tayo? O baka naman maglulundag rin tayo sa tuwa at galak dahil nga finally, Angelica and Carlo are not just looking, but are beginning their new forever.
Ang saya-saya, hindi ba naman?