Pelikula nina Bianca-Miguel semplang sa takilya

Luhaan nga ba ang “Banal” sa takilya? Ang pelikulang bigla na lang bumulaga, ano kaya ang magiging epek-to nito sa mga estrella ng teen-star na kasali sa horror movie nga ba?

Hindi kaya turn off sa dabarkads at madlang pipol sa titulo nito at napagkamalan nilang pang-Holy week o religious movie ito kaya mas sinamba nila ang mga godlike monsters sa “Godzilla?”

Paano na si Bianca Umali? Wala na ba talagang init at sagitsit ang love team nila ni Miguel Tanfelix? Eh si Andrea Brillantes, mas mahal lang ba siya bilang Marga sa “Kadenang Ginto” pero pag iba na ang ginagawa niya, wa pakels ang kanyang mga panatiko? Ito na nga ba ang pangalawang pelikulang bida si Brillantes na lugami sa takilya?

Ang “Quezon’s Game” dahil sa magandang word of mouth at unanimous critical praise, lumalaban sa “John Wick 3” na palabas pa rin sa mga sinehan.

Superlative ang reviews sa pag-arte ni Raymond Bagatsing na hindi kataka-taka dahil siya naman talaga ay mahusay na actor.

Ano kaya ang magiging kapalaran ng movie on demonic possession ni Jodi Sta. Maria, ang yayanigin kaya nito ang takilya? (Parang di naniniwala sa press ang produ niyan? Yung Julia-Gerald nila flop-ED). Ang tambalang Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani, ang “Feelinnials,” magpapalalakpakan, tawanan at go for gold kaya ang masa na panoorin ito?

Hunyo na, tapos na ang kalahating taon, dadalawa pa lang ang pelikulang major box office draw pero kahit ganito ang scenario, ang daming new p­layers na nagpro-produce ng mga pelikulka? May pera naman ang mga tao dahil lahat ng foreign films na aking binanggit, waging-wagi sa takilya at ang tiyak na papatok ay ang “Dark Phoenix.”

Ano kayang Pinoy movie ang magpapabago sa kasalukuyang kalaga-yan? Please naman, tangkilikin natin ang sariling atin! Gawin natin ito para sa bayan. Para sa Pilipinas nating mahal.
***

Carlo umako sa kasalanan

Sasabog na ba talaga ang kanyang kalooban at tala-gang sinusu-bok ng mga basher at hater ni Carlo Aquino ang kanyang pasensya, pang-unawa at pagkalalaki?

Ano ang pinag-uugatan ng post niyang ito: “Walang ibang may kasalanan kundi AKO. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung nagagalit kayo, sa akin kayo ma-galit. Hindi sa ibang tao. Hindi kay Trina kay Mats kay Josh o kay Khang.

Sa akin. Dahil ako ang nagdesisyon. Huwag niyo na po idamay ang ibang tao dahil wala silang kasalanan. Lahat ng galit ninyo tatanggapin ko pero huwag niyo na lang ipasa sa ibang tao dahil wala silang ginawa. “

Hay, naku Carlo, akala mo lang wala silang ginawa pero meron, meron, meron! Maski itanong mo pa sa babaing itatago ko sa pangalang Angelica Panganiban. Charot! Hahahaha!

Ang masasabi ko pa, sa mga taong iyong dinedepensahan na walang mga kasalanan, para silang apat na balaraw na sinaksak mo sa puso at kaibuturan ni Panga-niban na ang t­anging naging kasalanan lang ay umasa ito na totohanan na ang lahat at hindi na biruan, mas lalong, hindi promo.

Well, ang other side of the coin na kainaman dito, nag-man up ka at inamin na ikaw ang may sala, ikaw ang dapat sisihin at ang apat na the WHO na obviously mas malapit sa puso ang walang kasalanan.

Mag-re-reak pa kaya ang team Tabachingching Princess sa panawagan mong ito? O ang iyong hi-ling na ikaw na lang ang ratratin nila ay parang dagdag panggatong sa apoy? Na mas lalo silang magiging malakas, magsasanib fuerza pa more as the unleash hell and war, hindi lang sa iyo, kundi pa rin sa mga taong ang nasa mo ay huwag na idamay pa?

And I cannot help but wonder, is it so freaking late to reach out to your old friend Panganiban, communicate with her once and for all para maibigay niyo na ang closure niyo sa isa’t-isa? Ang mga damdamin niyo ba tuyong-tuyong na? Wala na ba itong ibubuga at wala na talaga kayong nararamdaman?

Aware naman kayo na the other side of the anger/hate coin is love, kaya hindi niyo ba kayang tignan ang isa’t-isa as friends para matuldukan na ang inyong giyera? Sobrang nakakalungkot kasi nga you were once lovers and now , you are not even friends.