Itatampok ang dalawang sumisibol na boksingero ng Cebu sa isang professional slugfest na babalangkasin ni dating two-time world pro boxing champion Geronimo ‘Gerry’ Peñalosa pagkatapos ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) o bumalik na sa ‘new normal’ ang bansa.
Sasalang ang pamangkin ni GerryPens Promotions head Peñalosa na si Dave Peñalosa, 20, at may 16 wins (12 knockouts) at 1 loss, at ang kaedaran niyang si former national youth boxer Criztian Pitt Laurente na may 5-0 at 3 KOs.
“After Covid pandemic, I will promote an event in Cebu,” ani Gerry sa SunStar Cebu. “Maybe in Mandaue (Mandaue Sports and Cultural Center) or at the Hoops Dome. I planned to have it at the Cebu Coliseum, but it has no air-conditioning.”
Mga dayuhan o beteranong kapwa Pinoy ang inaasinta ni Gerry na itapat sa mga nasa kuwadra niyang sumisikat na boksingero.(RDC)