Penis Festival pinutakti!

Muling nabulabog ang bansang Japan dahil sa pagdagsa ng mga dayo para saksihan at iselebra ang Penis Festival, na isa sa kanilang ma­laking pista.

Taon-taon kada buwan ng ­Marso ay idinaraos ang Penis Festival o ­binansagan ding Honen-sai kung saan nakaparada at nakabuyangyang ang iba’t ibang kulay ng ari ng lalaki, ma­laki man o maliit, stuffed toy, mascot at pagkaing ­hugis-nota. Kahit saan ka man papaling-paling ng tingin, bawat kalye ay batbat ng ari na puno ng palamuti.

Kanya-kanyang puwesto at nagtitipon-tipon naman ang mga turista at residente sa North Nagoya para ma­silayan ang parada ng dako at dambuhalang rebulto ng ari ng lalaki.

Sa eksena ay bubuhatin ng mga lalaking nasa edad 25, 42 at 61 na ikinokonsidera nilang ‘unlucky age’ ang dalawang metrong penis na inukit sa Japanese cypress kung saan iaalay nila ito sa shrine na may kasamang taimtim na dasal para sa magandang ani at fertility sa kanilang mga ­mahal sa buhay.

Pinaniniwalaan din ng mga ito na kung sino ang may pinakamabigat na hawak na penis carved o hugis titi na aabot sa 400kg at may kapal na 100cm ay sinasabing iyon ang susuwertihin o matutupad ang hiling.

Sinasabing maliit lamang noon ang orihinal na estatwa ng nota pero dahil sa makabagong panahon ay nag-evolve na rin ito.

Walang malisya! Puwedeng halikan ng mga bisita lalo na ng mga kababaihan, maging ng mga millennial ang tuktok o ulo ng wooden ­penis. (M. Episcope)