Dahil mag-iilang linggo pa lang ang fraternal twins nina Korina Sanchez at Mar Roxas, normal na patingnan ito sa doktor dahil sa ilang health issue na puwedeng mapansin sa bagong biyaya sa buhay ng couple.
Sa Instagram post ng TV host, kanyang ibinahagi ang pagdede ng isa sa kambal na si Pepe na isinugod sa ospital dahil sa paglitaw ng mga rashes sa mukha.
“Morning appointment for Tito Pepe at the dermatologist. He developed a skin rash on his face and nag worry kami kasi flawless sya nung una, biglang daming patse sa face!!!” sey ng TV host.
Pero, hindi naman dapat mag-worry ang mga sumusubaybay sa twins dahil hindi naman malubha ang sakit ni Pepe.
“Now, happily, he is getting back to normal. Ganun pala ang newborn: nagkaka rashes bigla, madalas sinisinok and panay atching!” dagdag pa ng maybahay ni Mar.
Marami namang mga supporter ang nagbigay ng kanilang words of advice kay Korina sa bagong journey nito sa motherhood.
“Haha it will clear up by their second month and they will have the smooth silky baby skin we will always be gigil of! enjoy motherhood ms.k and happy to see u loving it,” payo ni gemrora.
“Hello po @korina normal lang po sa mga newborns yan kasi nag aadjust pa po sila sa extrauterine life nila or sa surroundings nila. Observe handwashing lang po and proper sanitation when handling them,” ayon naman kay naizasalumbides.