Pepe, Pilar nina Korina, Mar pinagkaguluhan

 

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioHep, hep, hooray para sa impeachable source ng diva that you love! Hindi chika lang ang kanyang ibinulong dahil nga walang halong pag-iimbot at buong katapatang ipi­namaglaki ni Korina Sanchez ang wonder twins o puwede rin namang wonder twins nila ni dating Senador Mar Roxas.

Iba ring magpaandar ang mag-asawang Roxas, huh! Ang Nanay Joring nga, may drama pang may I tanong the public kung ano ang panalong ipangalan sa kanilang bundles of joy.

At nga­yong mommy dearest na si Sanchez, mag-overflow pa lalo ang kanyang maternal at nurturing side lalo na nga’t, not one, but two babies ang ibinigay sa kanila.

Anong lahi kaya ang kanilang piniling surrogate mother? Ang pinaka-famous na may babies care of surrogacy eh ang Lord of Scents Joel Cruz na walo ang anak at Ruso ang surrogate mom.

At heto na nga, ibinahagi na ni Korina kagabi sa “TV Patrol” ang mukha ng kanilang kambal na anghel na ang pangalan ay Pepe at Pilar.

Walang mapagsidlan na ikinuwento nito na mabilog ang mata ng baby girl samantalang mahilig matulog ang baby boy. Ang buong kuwento ay ibabahagi sa kanyang programang Rated K.
***

Pelikula ni Ronnie nag-exit sa takilya

Ang major, major tagumpay ng “Alone/Toge­ther,” hindi nag-rub off sa “Exit Point” ni Ronnie Ricketts at “Time & Again” na pinagbibidahan naman nina Winwyn Marquez at Enzo Pineda kaya ang siste, ibinalik na naman sila sa mga sinehan na may chance na ibinigay sa mga pelikulang luhaan.

Dahil nag-exit sa takil­ya ang Ricketts starrer, talaga bang pwede na nating sabihin na ang mga pelikulang bakbakan, wala na talagang puwang sa puso at wallet ng mga manonood?

At ang underperformance ng bagong pelikulang sina Marquez at Pineda, timely reminder ba ito na ang dalawa ay forever pang-telebisyon lamang at forever is not enough ang pagiging starlet nilang dalawa?

Walang dudang hindi nakatulong para ma­ging mausisa sa kanilang pelikula ang pagdeklara ni WinWyn na hiwalay na ang deko­lor at puti nila ni Mark Herras.

Mas lalo ngayong pwedeng pagdabugan ang kanyang Reina Hispanoamericana title dahil wala naman pala itong masyadong binigay na premium sa kanya.

Si Pineda naman, for all his intelligence, Pinoy na Pinoy at yummy physique, dapat na ba niyang ibuyangyang ang tinatago niyang palo-palo para naman ma-excite ang lahat sa kanya, lalo na ang buong sangkabekihan? Hindi na ba sapat ang mga underwear photo shoots at pakili-kili pasilip?

Mas mahal pa sa one-day gastos ng isang shooting.

Graded B ang Jose Javier Reyes movie, may tax rebate nga sila pero ang grado mula sa Cine­ma Evaluation Board, hindi rin naengganyo ang mga mahilig mag-movie watching?

Ang tanong na mainam, anong mga tama ang ginawa at ginamit sa LizQuen movie na pwedeng pag-aralan para at i-apply sa mga papara­ting na pelikula? Mainam na analisahin kung ano ang lakat at ispesyal na katangian meron ang Antoinette Jadaone film at gawing gabay at makatulong sa mga paparating na ipapalabas.

Sa “Second Co­ming,” “Familia Blandina, “Ulan,” “Billie and Emma,” “Eerie” at iba pang Pinoy films na paparating, ano nga ba ang kanilang dapat gawin para maakit at marahuyo ang mga manood na sila ay dapat mahalin, tangkilikin, suportahan at panoorin?
***

Lauren sawsawera sa peklat nina Elmo-Janella

Papatulan pa ba natin ang paandar ni Lauren Young na may hanash tungkol sa sugat na naging peklat na relasyon nina Janella Salvador at Elmo Magalona?

Dahil sa pagsawsaw niya patungkol sa peklat na “I think someone is lying,” here, there and every where ang ba­shing at hating na kanyang tinatanggap.

Ang nakakaloka pa, Young is engaging in a word war against her bashers na siyempre pa, ang pretense eh pinagtatanggol niya lang ang kanyang sarili.

Hindi naman mas­yadong halata na talagang you are mil­king your 15 minutes of fame dry, huh! Sana, husayan na lang niya ang pag-arte niya sa “Hiram Na Anak” dahil kung hindi, malapit na malapit na siya sa fina­lity the WHO status.

Ang isa pang hindi dapat pumatol sa mga ignoramus na iyan, eh si Regine Velasquez-Alcasid. Alam mo naman Ate Reg na kahit anong paliwanag mo, ang mga dalahira at katkaterang mga iyan, pakiwari nila they are above the rest and they know better.

‘Yung magnanimous gesture mo na may kanta kang ibinigay kay Morisette, hindi mo kailangang ipaliwanag. Mas lalong hindi mo dapat ipagtanggol dahil talaga namang mahusay na mang-aawit ang dalaga.