PEPING HIHIRIT MULI SA POC PRESIDENCY?

Tinakda ang nominasyon sa Oktubre 15-30 para sa mga gustong tumakbo sa halalan ng Philippine Olympic Committee sa huling linggo ng Nobyembre ng taon.

“Nomination starts on October 15 up to the 30th,” pahayag kahapon ni Raymond Reyes, manok ni POC first vice presi­dent Joey Romasanta bilang secretary gene­ral ng Philippine Karatedo Federation.

Si Romasanda rin ang pangulo ng PKF at La­rong Volleyball sa Pilipinas, Inc.

Hindi lang tinukoy ang mga interesanteng tatakbo para umupo si­mula Enero 20017-Dis­yembre 2020.

May 40 miyembrong national sports associations ang POC na may karapatang bumoto.

Walang voting po­wers ang anim na associate members at pitong recognized members.

May pasabi na umano si Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr., pangulo ng Equestrian Association of the Philippines, ng kagustuhang humirit ng pang-apat na termino. Si Cojuangco ay naluklok na POC president noong Enero 2005 tapos maiboto noong Nobyembre 2004.

Ang iba pang mga paalis sa puwesto ng POC ay sina Triathlon Association (TRAP) president Tomas Carrasco, Jr. (chairman),  Philippine Amateur Soft Tennis Foundation president Antonio Tamayo, Jr. (second vice president), Philippine Bowling Congress officer-in-charge Stephen Hontiveros (secretary general) Wushu Fede­ration Philipines secretary general Julian Camacho (treasurer), National Chess Federation of the Philippines president Prospero Pichay. Jr. (internal auditor).

Matatapos din ang panunungkulan ng four-member Board.