Perang galing China iligal na pinapasok sa ‘Pinas – Duterte

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang na-monitor ng gobyerno na malalaking halaga ng salaping iligal na pumapasok sa Pilipinas mula sa China.

Sa kanyang pagsasalita sa grupo ng mga negosyanteng Chinese sa Beijing nitong Biyernes, sinabi ng Pa­ngulo na mayroong da­lawang uri ng salaping pumapasok ngayon sa Pilipinas.

Ang isa aniya ay mula sa mga negosyanteng nais mamuhunan o kaya ay may mga ligal ng negosyo sa Pilipinas habang ang isa pa ay pribadong salapi na dapat hindi nailabas kung walang permiso ang gobyerno ng China.

“There are two kinds of money that would want or now are ente­ring the Philippine economic cycle. One is the government-owned corporations or agencies doing business. The other one is the private money I think which is not allowed to be brought out of the country without the permission coming from your government,” anang Pangulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na nga­yon lamang ito naiparating sa kanya kaya’t kung may pagkakataon pa sa kanyang China vi­sit ay babanggitin niya ito kay Chinese President Xi Jinping

Limitado lamang ani­ya ang kanilang naging pag-uusap ni President Xi kaya’t kapag may tsansa pa ay ipaparating niya ang impormasyon hinggil sa ipinapasok na mala­king pera sa bansa sa iligal na paraan.

“I was advised of this late but I dont know if I have a chance to see the President again. We had a restricted meeting, and well had I known about this then would be a proper subject for a res­tricted meeting topi­c, I would have brought it up with him,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)