Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
11:00 n. u. – UST vs FEU (Women’s Semis)
3:30 n. h. – UP vs AdU (Men’s Semis)
Malaking isda ang nabingwit ng University of the Philippines noong Sabado, nakatagpas ng 73-71 desisyon kontra sa 2-time eliminations tormentor Adamson University sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kaya ngayong alas-tres ng hapon nasa pakikihamok pa ang UP Fighting Maroons sa AdU Soaring Falcons para sa 2nd finals slot at sa karapatang hahamon sa defending champion Ateneo de Manila University sa best-of-3 series sa darating na Sabado.
Nakasulong na sa Final 4 sa unang pagkakataon sa loob ng 21 taon, at nakauna pa sa may 2x-to-beat, 2nd seed Adamson sa semis, nais ipagpatuloy ni Dolreich ‘Bo’ Perasol ang momentum para maipagmalaki ulit sila.
“We can’t really overthink about the other factors beside just playing the game,” giit ng Peyups coach, ang arkitekto sa pagpalag ng kampo mula sa matagal na pagiging tampalasan lang sa 8-eskuwelang liga.
“It’s important to get our minds ready for the battle. Both teams will have tremendous crowd support,” panapos niya sa pagtingala sa bagong kasaysayan – ang maka-finals na huli pang natikman ng Katipunan-based hoopsters noong 1986.
Pahiparan na kahit noong Lunes pa lang na makabili ng ticket sa wala ng bukas na sulpukang UP-AdU.
Ilan sa naging 1986 UP UAAP cage champion squad members noon sina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc, Eric Altamirano, Joey Guanio, Joey Mendoza at iba pa. Si Joe Lipa ang coach.
Samantala, sa women’s step-ladder semis, nais maihulma ng 2x-to-beat Far Eastern University ang dwelo sa titulo kontra National University sa pakikipagtuos sa No. 4 University of Santo Tomas sa alas-11:00 ng umaga.