Mga laro sa Miyerkoles: (Araneta Coliseum)
4:30 pm Meralco Bolts vs Columbian Dyip
7:00 pm Phoenix Pulse vs NorthPort

Habang nakatutok ang lahat sa 6th and final window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers, naghahanda ang 10 koponan partikular ang mga nasa ilalim ng puwesto na todo pagha­handa naman ang Columbian Dyip at Phoenix Fuel Master sa pagbabalik ng aksiyon sa PBA Philippine Cup elimination ngayong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Makakatapat ng Dyip ang Meralco Bolts at ayon kay Dyip coach Johnedel Cardel, recharge na ang kanyang tropa sa pangunguna ni top rookie pick CJ Perez.

“Pinagpahinga muna namin ang mga player para makapag-recharge at maka-compete sa mga susunod na laro,” sabi ni Cardel, na huling tinalo ang NorthPort para sa ikalawa nitong panalo bago naman nalasap ang apat na sunod na kabiguan

Pilit namang babangon ang dating nangu­ngunang Phoenix Fuel Masters na nakalasap ng una nitong kabiguan at ang NorthPort na nagnanais din makabawi sa dalawang sunod nitong nalasap na kabiguan.

Isa pa din na malaki ang alalahanin ay ang 2018 PBA Governors Cup champion na Magnolia Hotshots na tatlong sunod na nakalasap ng kabiguan at kinakailangan na maipanalo ang natitira nitong walong laro upang makahabol sa ginaganap na komperensiya,

“We cannot afford to lose anymore,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero, na napag-iiwanan sa ika-12 at huling silya tangan ang 0-3 panalo-talong record.