Perez, Tautuaa, iba pa hinahasa ng mga Serbian

Kahit na patuloy ang paglaganap sa mundo ng novel coronavirus at may nagaganap na kaguluhan sa India, patuloy pa rin ang pag-eensayo ng Gilas Pilipinas 3×3 squad na nakatakdang sumabak sa 2020 Olympic Qualifying Tournament sa Marso 18-22 sa Bengaluru.

Balewala kina Moala Tautuaa at Christian Jaymar Perez ang pagdalo sa dalawang practice kada isang araw lalo na para sa Gilas 5×5 team na kinakailangan ang mas malalim na pagsasanay dahil dalawang linggo na lang bago ito magtungo sa India.

Ginagawa ang Gilas 3×3 training sa PhilSports Arena sa Pasig kada Lunes kung saan kasama nina Tautuaa at Perez ang dalawang FIBA top ranked player sa bansa na sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon.

Tumutulong naman sa koponan ang ilang Serbian player sa ­training. Ang mga Serbian ay sina 6-9 Teodor Atanasov, 6-0 Nebojsa Kilijan, 6-7 Marko Brankovic at 6-4 Vladimir Trajkovic. (Lito Oredo)