Perez tsuper ng Dyip sa all-Filipino

PBA TEAM PREVIEW: COLUMBIAN

Dalawang magkasunod na taong top pick ang Columbian Dyip sa PBA Draft.

Noong 2018, tinapik nila si CJ Perez mula Lyceum. Noong December, si 6-foot-5 guard/forward Roosevelt Adams naman ang hinugot.

Umaasa ang Dyip na mababago ng dalawa ang kapalaran ng team sa papasok na 45th season ng PBA.

Hindi nakalagpas sa elimination round ng tatlong conferences ng nagdaang season ang Columbian – 10th sa season-opening Philippine Cup at season-ending Governors Cup, No. 11 sa midseason Commissioner’s.

Pero kahit nangungulelat ang team, hindi nawala sa eksena si Perez.

Katunayan, kasama ang pangalan ng dating NCAA MVP sa season MVP at Roo-kie of the Year honors.

Umugong noon ang balita na ipapamigay ng Dyip si Perez, hinahanap ng trade.
Mabilis itong pinabulaanan ni coach Johnedel Cardel.

Nahanap na raw nila kay Adams ang player na swak para itambal kay Perez.

Slasher si Perez na mas madalas umatake sa basket, big na may tira sa labas si Adams.

“We like our chances now,” paha-yag ni team governor Bobby Rosales.

Bago magsimula ang 45th season ng PBA sa March 8, nakita na ni Cardel ang potensiyal ni Adams.

“He’s like a J-Wash (Jay Washing­ton) noong kabataan niya, and I think he’s gonna be the next Troy Rosario,” anang coach. “This all-Pinoy, we have a big shot to get to the quarterfinals.”

Bukod sa datihang kamador na si Rashawn McCarty, may nakuha pa silang big sa offseason kay Aldrech Ramos.

At malaking papel ang gagampanan nina rookie Christian Bala­gasay at Bon-Bon Batiller na parehong galing sa NCAA champion Letran. (Vladi Eduarte)