Gaya-Gaya puto maya
Hangad din ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ng Columbian na matularan ang naisagawa nang itinuturing niyang ‘Kuya June’ na magwagi rin kundi man mapantayan ang anim na sunod nitong pagiging Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association.
Ito ay matapos na maiuwi ni Perez ang minsan lang mapapanalunang Rookie of the Year award sa PBA Season 44 Leopoldo Prieto Awards Night at agad makasama sa First Mythical Team sa kanyang unang taon pa lamang ng paglalaro sa propesyonal na liga.
“Wala pa rin makakapantay sa husay ni Kuya June. Hanggang nandyan siya sa liga, mahirap pa ring mapanalunan ang pagiging MVP,” sabi ng Dyip top player.
Ikinatuwa naman ni Perez na mapasama agad sa Mythical Five, mapanalunan ang pagiging Rookie of the Year at masama pa sa All-Defensive Team matapos maging 2019 PBA Draft Top overall pick.
“Kinakabahan talaga ako bago pa mag-umpisa ang seremonya,” ani Perez. “Maski ako nasorpresa na nakasama agad ako sa Mythical Team at ADT,” aniya.
Ang nagawa ni Perez na mapanalunan ang ROY at MFT ang una sa matagal na panahon sa liga. May isang player pa lang ang nanalo ng ROY-MVP.
Nakopo ni Benjie Paras ang mahirap na mapantayang na mapanalunang award noong 1989 bago halos maduplika lang ito ni Marlou Aquino noong 1996.
Samantala’y napasakamay ni Gabe Norwood ng Rain or Shine ang Samboy Lim Sportsmanship Award habang Most Improved Player si Moalaa Tautuaa ng SMB.
Kasama nina Fajardo at Perez sa MFT sina Jayson Castro ng Talk ‘N Text, at Christian Standhardinger at Sean Anthony ng NorthPort, habang sa ADT sina Beerman Chris Ross, Anthony, at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel. (Lito Oredo)