Nagsasa
Floating & enjoying the blue sea

Feel mo bang mag-swimming at mag-relax sa dagat na malayo sa maingay at polluted na siyudad?

Siguradong magugustuhan mo ang Nagsasa beach resort sa Zambales dahil sa maganda at malinaw na dagat, grayish sand, madamong bundok na mistulang tsokolate sa summer, waterfalls at ang tahimik at simpleng buhay doon.

How to get there?

Sa halagang P1,600 per head (posibleng bumaba pa depende sa dami ng kasama) ay maaari ng magpa-reserve sa mga nagkalat na agencies sa internet. Clique Travel Services ang nagdala sa Li­ving Hope Chorale (LHC) sa lugar, wala ka ng aalala­hanin pa mula sa meeting place sa TriNoma papuntang San Antonio Zambales port, all-in package na ang bayad sa bangka at entrance papunta sa Nagsasa Beach pati ang libreng tent na tutulugan magdamag. Kasama rin sa package ang pick-up pauwi.

Island hopping

Breathtaking scene sa tuktok ng isla

Bago makara­ting ang grupo sa Nagsasa beach ay island hopping muna sa Capones Island, medyo matarik ang lugar pero sulit naman ‘pag narating mo na ang tuktok ng isla kasama na ang lighthouse sa itaas ng nito.

Madadaanan din ang Anawangin Cove bago dumiretso sa Nagsasa resort na umaabot ng isang oras bago marating.

Siguradong ‘di ka maiinip sa bangka dahil sa malinaw na tubig, kasama na ang preskong hangin habang naglalayag.

Nagsasa resort activities

Clear under water shot

Hindi ka maboboring dahil sa dami ng activites na maaaring gawin sa isla ng Nagsasa. Ilan dito ay ang snorkling, beach volleyball, kayaking, cliff diving, star gazing sa gabi, trekking at siyempre ‘di mawawala ang swimming sa malinaw na dagat ng isla.

Mayroon ding bonfire sa gabi sa tabing dagat, star gazing naman sa madaling-araw kung ‘di ka makatulog ang puwedeng pag-tripan.

Libre at walang renta ang mga gagamiting goggles, volleyball at kayaking boat na kasama sa package ng agency.

Romantic love proposal at Nagsasa

Romantic proposal sa tuktok ng Nagsasa mountain

Isa sa highlight sa Nagsasa escapade ay ang romantic marriage proposal ng aming barkadang si Alex sa girlfriend niyang si Joy. Sino ba naman ang ‘di mapapa-“YES” sa ganda ng scenery sa tuktok ng bundok ng Nagsasa habang natatanaw mo ang malawak at asul na langit at dagat.

Pagkain, inumin atbp.

May offer na P100 per ang meal ang nakuha naming package kaya kain lang ‘pag nagutom. Ok naman ang lasa ng food nila, pero kung medyo pihikan ka maaari rin namang magdala ng sa­riling pagkain kasama na ang iba pang inumin lalo na ang alak para sumaya ang bonding with friends.

Ano pa ang hinihintay mo? Ayain na ang barkada at ihanda na ang mga under water cameras para ma-vi­deo at makunan ng pictures ang iyong summer escapade.