Walang kabang sinalpak ni Jason Perkins ang dalawang free throw sa huling pitong segundo mula sa foul ni Ryan Arana upang matakbuhan ng Phoenix Pulse ang NorthPort, 98-96, Miyerkoles nang gabi sa 44th PBA 2019 Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Split sa FT ni Alex Mallari sa 1:16 ang nagbuhol sa 96-all sa kabila na dumistansya ang Fuelmasters ng 13 pts. sa game bago dumating ang kabayanihan ni Perkins, nagsemento sa winning team sa pagsakop sa segundo sa 6-1 at playoff para sa quartrerfinals.
May tsansa pang makumpleto ng Batang Pier ang pagbalikwas at mahablot ang panalo sa endgame. Pero kumabyos si rookie Robert Bolick sa kanyang buzzer-beating 3-point attempt, at nahulog ang luhaang koponan sa ika-8 na puwesto sa 2-3 kartada.
Hindi nakalaro si Stanley Pringle para sa Batang Pier na sinuspinde n g isang laro at pinagmulta ng P75,000 sa pagsapak kay Jay-R Reyes noong Peb. 19 na exhibition game.
Kumalaykay naman si Rashawn McCarthy ng career-high 30 pts. upang ibangon mula sa 15 puntos na pagkakalubog ang Columbian, sinagasaan ng Dyip ang Meralco 86-85.
Balikwas din sa tatlong tilapon ang mga alipores ni coach Johnedel Cardel para umangat sa 3-4, sapat para sa ika-7 puwesto at sinalya ang Bolts sa 2-4 kabaraha ang NLEX.
“I hit a couple of shots early and then kept being aggressive,” ani McCarthy, na 11-of-22 sa field, at may eight rebounds at three assists.
“The guys told me to just be aggressive. My teammates trusted me, my coaches trusted me so I just made more shots today. I was a lot more aggressive today, looking for ways to attack and set up my teammates.”