Mga laro bukas: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p. m. – NorthPort vs Meralco
7:00 p. m. – San Miguel Beer vs NLEX
Iniskor ni Jason Perkins ang huling apat na puntos sa loob ng 19 seconds para kumpletuhin ang gabi ng bangunan, natimbog pa ng Phoenix Pulse ang Magnolia sa kabila na naiwan ng 17 points, 89-87, sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Philippine Cup elims Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Hinablot ng Fuelmasters ang 88-87 lead sa last 19 ticks mula sa triple ni Perkins bago ang winning split sa free throw sa pinaleng na anim na saglit na panghuling tally na rin para sementuhan ang liderato sa 8-1 at binaon lalo ang ang Hotshots sa ilalim sa 1-4.
Sablay si Paul Lee sa buzzer-beating trey sa sumunod na tagpo.
Sa likod naman ng 22-point game ni Rashawn McCarthy, binalikwasan din ng Columbian ang first period 11-point deficit upang mayugyog ang Rain or Shine, 85-82, at mabuhayan pa sa paghahabol sa Last Eight sa 4-5 record.
Muling tumakbo ang Dyip buhat sa pagkapara sa Blackwater, samantalang natikman ng Elasto Painters ang kambal na taob para sumalampak sa 7-3.