Naligtasan ng Perlas ang Power Smashers sa sagarang five sets 29-31, 24-26, 25-19, 25-23, 21-19 para solohin ang second spot ng Premier Volleyball League Reinforced Conference.
Kinasangkapan ng Lady Spikers ang dalawang blocks para basagin ang 19-19 count sa decider at selyuhan ang panalo sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Sa 2-1, dumikit ang Perlas sa mag-isa sa tuktok na BaliPure na wala pang bangas sa tatlong laro sa torneo na inorganisa ng Sports Vision at binak-apan ng Mikasa at Asics.
Nalaglag ang Power Smashers sa 1-2 kabuhol ang Air Force Lady Jet Spikers.
Nagpakawala si Kathy Bersola ng 13 attack points at may five blocks para sa Lady Spikers, tumapos ng 18 markers at may 14 digs si Amanda Villanueva.
Sa Jet Spikers natisod ang Perlas matapos masilat sa opener ang Alyssa Valdez-led Creamline.
Sa men’s side, kinubra ng Army ang pangalawang panalo sa bisa ng 25-20, 25-18, 25-19 win laban sa Café Lupe.
Inakbayan ng Troopers ang Sta. Elena sa tuktok. Nabaon sa 0-2 ang Sunrisers.