Bumaha ng serbesa sa dugout ng San Miguel Beer sa MOA Arena Biyernes ng gabi pagkatapos itagay ng Beermen ang four-peat sa PBA Philippine Cup Finals.

Si San Miguel Beer coach Leo Austria, perpektong six-for-six sa kanyang finals appearance sa PBA.

Tinuhog ang nakaraang apat na edisyon ng all-Filipino huli ang 4-1 series win laban sa Magnolia Pambansang Manok Hotshots na isinara sa 108-99 double-overtime win sa Game 5 Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

Mayroon pa siyang naka­bulsang Governors Cup (2014-15) at Commissio­ner’s Cup (2016-17) titles.

Idadagdag ng SMB ang titulo sa 24 na naka-display na sa kanilang trophy cabinet. Ang team ni Austria ang unang naka-four-peat sa premier tournament ng liga pagkatapos ng Crispa Redmanizers noong 1979-84 (walang all-Filipino noong 1981 at 1982).

“We thought we will extend the series to a Game 6, pero the players didn’t give up,” bulalas ni Austria, nalubog pa ang team ng 71-48 bago umahon.

Na-develop daw ang winning attitude ng Beermen at may pusong kampeon na. “I’m happy na this fourth all-Filipino Cup napunta sa amin, a record for the team,” dagdag ng coach

Sina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio La­ssiter at Chris Ross ang na­nguna sa atake ng series- at title-clinching win ng SMB (Vladi Eduarte)