Pilit kumakawala si Jiovanni Jalalon ng Arellano University Chiefs mula sa depensa ni Raymund Pascua ng Emilio Aguinaldo College Generals sa aksiyong ito kahapon sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan. Panalo ang Chiefs, 88-82. (Patrick Adalin)
Pilit kumakawala si Jiovanni Jalalon ng Arellano University Chiefs mula sa depensa ni Raymund Pascua ng Emilio Aguinaldo College Generals sa aksiyong ito kahapon sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan. Panalo ang Chiefs, 88-82. (Patrick Adalin)

Mga laro bukas:
The Arena, San Juan City
10:00 a.m. — JRU vs CSJL (jrs)
12:00 nn — SBC vs MIT (jrs)
2:00 p.m. — JRU vs CSJL (srs)
4:00 p.m. — SBC vs MIT (srs)

Tinambakan ng Perpetual Help ang St. Benilde, 70-55, at ang Arellano U ay nakalusot sa Emilio Aguinaldo, 88-82, kahapon at nakisiksik sa three-way tie sa third spot, kasama ang reignin­g titlist Letran sa 92nd NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Muli, inakay ni Nigerian Bright Akhuetie ang Perptual Altas matapos sundan ang kanyang 21-point, 16-rebound at three block game nang talunin ang Knights (61-55) noong nakaraang linggo, nang magpasabog naman kahapon ng 21 points, nine boards at four blocks tungo sa ikalawang sunod na panalo at fourth overall sa anim na salang.

Nakakuha rin ang Las Piñas-based school ng ma­laking suporta mula sa isa pang Nigerian na si Prince Eze, na may 10 points, eight caroms at two blocks.

“Medyo inconsistent, buti na lang malalakas ‘yung import namin,” lahad ni Perpetual Help coach Gimwell Gican.

Samantala, kumayod si big man Lervin Flores ng 20 points at 15 rebounds para itaguyod ang Arellano Chiefs sa 88-82 panalo kontra Emilio Aguinaldo College Generals sa unang laro.

Tumipa si Jio Jalalon ng 15 markers, 12 assists at tatlong steals para ilista ang 4-2 card ng Arellano.

Nasa ibabaw ang Generals, 66-62, papasok ng fourth period, pero umararo ng 10-2 ang Chiefs para makuha muli ang manibela.

Sumalpak si Hamadou Laminou ang 23 points at eight boards para EAC.

Bumangon naman mula sa kumunoy ang Lyceum of the Philippines Pirates matapos talbusin ang San Sebastian College Stags, 83-79.

Lugmok sa unang tatlong laro, naabot ng Pirates ang .500 mark sa tulong ni Mike Nzeusseu na nagtala ng 26 puntos, 24 boards at dalawang blocks para itarak ang 3-3 karta.

Abante ang LPU ng walong puntos sa kalagitnaan ng fourth canto pero natapyasan ito sa dalawan­g puntos, 81-79 may 44 se­conds pa sa orasan.

Niligtas ng putback ni Nzeusseu ang Pirates upang ipalasap sa Stags ang pang-limang kabiguan sa anim na laro.