Mga laro bukas:
(Bacoor Strike Gym)
2:00 p.m. – Cignal vs Sta. Lucia
4:00 p.m. – PLDT vs Generika-Ayala
6:00 p.m. – Foton vs Petron
Humampas ng tig-14 points sina Rebecca Diane ‘Becky’ Perry at Victonara ‘Ara’ Galang upang balikatin ang may isang import pa lang na F2 Logistics sa pagtabon sa Sta. Lucia, 25-21, 25-19, 25-19, kagabi sa Filoil Flying V Center sa Juan.
Malakas pa rin maski isang reinforcement pa lang ang ginagamit, tatlong sets lang ang kinailangan ng Cargo Movers upang pagulungin ang Lady Realtors sa second game ng 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix elims.
Nasa 2-0 na ang karta ng women’s volleyball squad upang manatiling nasa tuktok ng team standings sa 8-team league ng season-opening conference. At pinadausdos ang biktima sa 1-2.
Pangalawang sunod na laro na hindi humataw si American reinforcement Lindsay Stalzer para sa Cargo Movers. Siya’y naglalaro pa sa Indonesian Proliga, at nakatakda pa lang dumating ngayong Linggo.
Tumikada si Middle blocker Mary Joy ‘Majoy’ Baron ng 11 hits habang nag-ambag si Abigail ‘Aby’ Maraño ng walong puntos para pa rin sa F2 Logistics.
“Our import (Becky) showed that she can lead the team,” sambit ni F2 coach Ramil de Jesus. “During our first game everyone was still adjusting. But now they are more relax, they know each other’s strengths and made the correct movements inside the court.”
Nanguna si Casey Schoenlein sa opensa ng Lady Realtors na nagtala ng 18 puntos.