Sinorpresa ni Rafael Pescos ang pinalitan niya sa titulo na si Noel Tillor, hindi naman naging sagabal kay Ruffa Sorongon ang limitadong training para sa four-peat crown sa Cebu City Half-Ma­rathon Regional Elimination Race kahapon na tinakbuhan ng lampas 17,000 kasama ang sa mga side events na 10K, 5K at 3K.

May 1 hour, 14 mi­nutes na tinugaygay ng 22-year-old Negrenseng si Pescos ang 21-kilometer elims race para ma­ngibabaw sa men’s division, habang nagsumite ng clocking na 1:26:24 ang 25-anyos na Davaoeña na si Sorongon para sa women’s title.

“Masaya ako at nanalo. Nagbunga lang ang mga pagsisikap ko sa training,” wika ni P­escos.

Sunod na duma­ting sina Michael L­argo (1:17:01) at Tillor (1:17:20) sa finish ng 4-in-1 race na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Department of Education, Philippine Athle­tics Track and Field Association, Asics, Salonpas, TIMEX, 2XU, Endu­rance, Hisense, Maynilad at PhilamLife.

Kumita ng tig-P10,000, qualified na rin ang dalawa sa 40th National MILO Marathon Finals sa Disyembre 4 sa Iloilo City taya ang P300,000 sa Open at P150,000 sa top locals para sa dalawang divisions bukod pa sa T­okyo Marathon slots para sa mga Pinoy sa February.

“Kahit kulang sa training, motivated lang akong mapagpatuloy ang pa­nalo ko rito,” sabi naman ni Sorongon na binuntu­tan nina Cresabel Cadion (1:32:10) at Sandra Soliano (1:46:26).

Ang next qualifying leg ay sa Dumaguete sa Oct. 2 bago mag-Davao sa Oct. 9, GenSan (Oct. 16), Cagayan de Oro (Oct. 23), at Butuan (Oct. 30).