Petecio Gold sa World Championships

Golpe de gulat si Russian boxer Liudmila Vorontsova kay Nesthy Petecio sa 2019 AIBA Women’s Boxing World Championships sa Ulan-Ude, Russia Linggo upang maibagahe ng Pilipina ang gold medal.

Pinuslit ng 27-year-old, 5-foot-2 Davaoeña ang mahirap na 3-2 split decision sa women’s featherweight (57kg) class para maging ikalawang Pinay boxer na magwagi ng gintong medalya sa biennial meet.

Sinundan ng tubong Sta. Cruz, Davao del Sur na boksingero si Josie Gabuco ng Palawan na naka-gold medal sa 2002 Quinhuangdao, China Worlds.

Kinagalak ni Alliances Boxing Association in the Philippines (ABAP) presi­dent Victorico Vargas ang panalo ni Petecio.

“Nesthy desereved the win. Not only because she fought brilliantly but also because she sacrificed so much for this, I am shedding tears of joy for her,” bigkas ni Vargas nitong Linggo.

Pinapurihan din ni niya sina coaches Nolito Velasco and Reynaldo Galido na gumabay kay Petecio.

“Actually, the entire ABAP coaching staff headed by coach Patricio Gaspi deserves the credit, including our foreign consultant Don Abnett. They did a great job,” wakas niya.

Pa-gold, pinagdedemolis ni Petecio sa 13-day boxfest na nilahukan ng 224 na boksingera ng 57 bansa sina Karriss Artingstall ng England sa semis, 4-1; Sena Irie ng Japan sa quarters, 4-1; Quiao Jieru ng China sa Last 16, 3-2; Stanimira Petrova ng Bulgharia sa Round-of-32, 3-2; at Jucielen Romeu ng Brazil sa Last 64, 3-2. (Janiel Abby Toralba)