Itinuturo na ang negosyanteng si Peter Lim ang big time supplier ng illegal na droga ng grupo ni Kerwin Espinosa na distributor ng shabu sa Visayas.
Ito ang nilalaman ng apat na pahinang referral letter ng Major Crimes Investigation Unit ng PNP-CIDG kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na naglalaman ng detalye ng reklamong kanilang isinampa laban kina Lim, Peter Co, Espinosa at iba pang personalidad na sinasabing sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga sa Regions 7 at 8.
Nabatid sa PNP-CIDG, ito ay ibinunyag ng pinagkakatiwalaang tauhan ni Espinosa na kanilang naaresto sa isang buy-bust operation noong Hulyo 8, 2016 sa Albuera, Leyte na sina Lim at Co ang supplier ng droga ng Espinosa Group.
Ayon umano kay Marcelo Adorco, tig-20 kilo ng droga ang nakuhang suplay ng Espinosa Group mula kina Co at Lim.
Noong 2014, apat na kaparehong transaksyon ang nangyari sa pagitan ni Lim at ng Espinosa Group.
Noon umanong Hulyo, 2015, nag-deliver si Lim ng 50 kilo ng shabu sa Espinosa Group at ito ay batay na rin sa napagkasunduan nila ni Kerwin Espinosa sa Thailand noong Hunyo 4, 2015.
Lahat umano ng delivery ng shabu ay nangyari sa Cash and Carry sa Makati City.
Tinukoy pa ng PNP-CIDG sa kanilang reklamo na ang Peter Lim na sangkot sa illegal drug trade ay ang negosyante sa Cebu City na nakipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2016.
Mga big time na drug leaders, nagdedeliver ng droga mismo. Sigurado ba ito? Wala sila utusan?
ayan nanaman silang magagaling. Akala mo mga kritiko ampoootaaa.
itumba na yan amo para matuwa mga supporter natin,sakripisyo na natin si kumpare
Noon pa alam nila iyan. Alam din ng kumpare niyang si Digong. Bakit ngayon lang pinag-iinitan?
Babalik ang hanga ko kay Digong kung patayin niya ang Tsekwang iyan.
Iyon naman ang dahilan kaya pinatay sa Espinosa baka ikanta ang mga drug supplier.
ayan na itinuro bakit di arestuhin..matagal na yan dapat pa bang presyurin para hulihin yan?
Kaya ba ipinapatay si espinosa. Dahil maraming alam kay peter lim na kumpare ni digong