Petisismong seksuwal o petisismong erotiko (4)

Dear Dra. Holmes: (shortened and translated Aug. 4 letter)

27-taong gulang ako, walang asawa at may problema tungkol sa sex. Mahilig po ako umihi sa mga babae. Hindi po kung sinu-sino lang, pero ‘yung mga babaeng may plano kong isiping.

Kailangan ko po ito bago ako malibugan talaga. Kahit na maganda o maputi sila, hindi ako nalilibugan hanggang maihian ko sila. Ano po ang problema ko? — Lucio

Dear Lucio:

Maraming salamat sa sulat mo. Baka nahalata mo na hinati ko ang iyong sulat sa iilang parte. ‘Yan ay dahil ang paksa ng problema mo ay bago sa ibang mga tao. Kailangang malaman nila talaga ano ang nangyayari dahil napakaraming mga maling pananaw tungkol sa paksang ito.

Ang pinag-uusapan natin ay ang petisismong sek­swal (fetish).

Ayon sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Petisismong_seksuwal ang petisismong seksuwal o petisismong erotiko ay ang pagkapukaw na seksuwal na nakukuha mula sa pisikal na bagay o partikular na sitwasyon.

Ang bagay na nakakapagpapapukaw sa mga tao sa aspektong sekswal ay tinatawag na Fetish; ang taong may pagnanasa sa nasabing bagay ay tinatawag na Fetishist.

Ang seksuwal na Fetish ay itinuturing sa mga pangkaraniwang na pamamaraan (pagsuot ng katalik ng partikular na kasuotan) o maaari itong maging isang uri ng karamdaman sa pag-iisip na maaaring magdulot ng problema sa nakagisnang kasarian kapag ito ay labis na nagsusulot ng saykososyal. Ang pagnanasa sa isang tiyak na bahagi ng katawan ay tinatawag na partialism.

Kung mahilig ka lang umihi sa babae, pero kaya mong malibugan kahit hindi ka umihi sa kaniya, hindi ito fetish. Ito ay isang kagustuhan lamang. Sa Ingles, ito ay isang bagay na “You can take (it) or leave (it).” Kung nandun, di masaya, kung wala, ok lang.

Kung may fetish ka, hindi lang ito kagustuhan, pero pangangailangan. Ito, hindi mo ma-take o ma-leave. Ito ay kailangan mong ma-take. Kailangan mong maranasan. Kung wala ito, hindi ka malilibugan ng sapat para magsiping.

Kung ang lalake ay mahilig sa mga babaeng may mahabang buhok, ‘yan ay kagustuhan lang.

Pero kung ang lalake ay may fetish para sa babaeng may mahabang buhok, kailangang may mahabang buhok ang babae o hindi siya malilibugan sa babaeng ito, kahit na gaano siya kaganda, kabait o ka-seksi. TO BE CONTINUED…

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com. I-LIKE mo rin sya Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.