Petisismong seksuwal o petisismong erotiko (4)

Ika 2-labas

27 taong gulang ako, walang asawa at may problema tungkol sa sex. Mahilig po ako umihi sa mga babae.

Hindi po kung sinu-sino lang, pero ‘yung mga babaeng may plano kong isiping.

Kailangan ko po ito bago ako malibugan talaga. Kahit na maganda o maputi sila, hindi ako nalilibugan hanggang maihian ko sila. Ano po ang problema ko? — Lucio

Dear Lucio:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pi-nublish ng buo at sa Ingles nong nakaraang Huwebes, Agosto 4. Sa huling kolum natin noon nakaraang Martes,

Agosto 9, sinabi ko na ang isang tao ay may fetish kung hindi siya nalilibugan kapag wala sa kaniya ang fetish niya. Pinaliwanag ko na kung ang lalake ay mahilig sa mga babaeng may mahabang buhok, ‘yan ay kagustuhan lang.

Pero kung ang lalake ay may fetish para sa babaeng may mahabang buhok, kailangang may mahabang buhok ang babae o hindi siya mali-libugan sa babaeng ito, kahit na gaano siya kaganda, kabait o ka-seksi.

In other words, ikaw ay may fetish, Lucio. Pero ang fetish mo ay hindi isang bagay o bahagi (parte) ng katawan ng babae. Ang fetish mo ay tungkol sa kailangan mong gawin bago ka malibugan at ‘yan ay umihi sa kanila.

Ang tawag sa fetish na ito ay urolagnia. Hindi lang ang pag-ihi sa babae (kagaya ng fetish mo) ang kasama sa urolagnia.

Ang mga taong gustong umihi sa lugar na makikita sila, maihian o uminom ng ihi ay masasabi rin nating may fetish rin kung kailangan nilang gawin ito bago sila malibugan.

Mayroong mga gusto lang ito, pero hindi kinakailangan (katulad mo), kaya sila ay hindi natin masasabing may fetish.

Mayroong mga ibang salitang ginagamit para sa urolagnia; halimbawa “golden showers” o “water sports.”

Wala naman talagang problema ang magkaroon ng fetish, lalo na kung wala kang sinasaktan kasama na d’yan ang sarili mo.

Kaya lang, kagaya ng fetish mo  kailangan na ihian mo ang mga babae bago mo sila isiping – ay medyo may kahirapang ganapin.

‘Yan ay dahil hindi karaniwan para sa karamihan ng mga babae na ihian sila ng kahit sinuman. TO BE CONTINUED