Petisismong seksuwal o petisismong erotiko (4)

Ika 4-labas

Dear Dra. Holmes: (shortened and translated Aug. 4 letter)

27 taong gulang ako, walang asawa at may problema tungkol sa sex. Mahilig po ako umihi sa mga babae. Hindi po kung sinu-sino lang, pero ‘yung mga babaeng plano kong isiping.

Kailangan ko po ito bago ako malibugan talaga.  Kahit na maganda o maputi sila, hindi ako nalilibugan hanggang maihian ko sila. Ano po ang problema ko? — Lucio

Dear Lucio:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish nang buo at sa Ingles noong nakaraang Huwebes, Agosto 4. Sa huling kolum natin noong nakaraang Martes, Agosto 16, sinabi ko na kahit na may fetish ka at maraming tao ay maghuhusga sa iyo dahil hindi nila maintindihan ito, marami ka pa ring magagagwa para maging masaya ang sex life mo. Halimbawa, makakahanap ka ng ibang tao na may parehong fetish mo.

Sinabi ko rin na, sa ganitong paraan, siguradong walang masyadong maabala (bothered) o mabalisa (disturbed) sa fetish mo.  ‘Yan ay dahil pareho ka­yong may fetish na ganito, at pareho kayong nagkakaintindihan. Wala nang sorpresa, takot o kadirian.

Mayroon isang problema lang akong nakikita rito at ‘yan ay kung bahagi ng fetish mo ang gulatin ang mga ex partners mo. Mayroon kasing mga taong may ganu’n fetish; na hindi sapat ang ihian ang partner, pero kailangang hindi nila alam na mangyayari ito. Sa ganu’ng situwasyon, ang gulat, pagkabigla, at maaari ring alibadbad ng partner ang siyang nagbibigay sigla at libog sa taong may fetish na ganito.

Kung ‘yun nga ang fetish mo, na may kasamang gulat o pagkabigla, o maaari ring alibadbad ng partner mas mahirap makahanap ng partner.

Kasi sa aking opinyon, para sa partner mo, hindi lang ito ‘yung sexual factor na sinasama, pero ‘yung feeling na niloko ka. Ang ibang mga sex partner ay baka pa masaktan at isiping pinagtaksilan mo sila, kasi ang akala nilang magiging magandang situwasyon na pagsisiping, ay naging isang okasyon na hindi nila inaasahan.

Kung ‘yan nga ang fetish mo, sana sulatan mo na naman ako. Baka mayroon tayong solusyon na mahahanap para maging maganda ang resulta hindi lamang para sa iyo, pero sa mga partner mo rin.  Ingat — MG Holmes

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa kanyang website www.margaritaholmes.com. I-LIKE mo rin siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.