Petisyon ni Gadon walang basehan

Iginiit ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfred Garbin na walang basehan ang inihaing petisyon sa Korte Suprema ni Atty. Lorenzo ‘Larry’ Gadon na humihiling na ipatigil ang pagpapatupad ng sulat ng Kamara sa National Telecommunication Company (NTC) para payagan ang pa­tuloy na operasyon ng ABS-CBN kahit na magpaso ang prangkisa nito sa dara­ting na Mayo.

Ayon kay Garbin, tila hindi alam ni Gadon ang kanyang ginagawa gayong isa siyang abogado.

“Gadon is asking the Supreme Court to intervene in a subject matter over which Congress has exclusive jurisdiction. He is asking the Supreme Court to tell a co-equal branch what to do on a matter that the Court has no right or power to intervene,” ayon pa kay Garbin, vice chair ng House Committee on Justice.

Dahil dito, ayon sa kongresista, sad­yang wala umano sa tamang pag-iisip si Gadon na tila sugod nang sugod na hindi muna nag-iisip.

“Sadyang wala talaga sa lugar ang pang­hihimasok nitong si Gadon. Gusto pa niyang idamay ang Korte Supreme sa naisin niyang i-etsapuwera ang kapangyarihan ng Kongreso sa isyu ng prangkisang ipinagkakaloob ng lehislatura,”ayon pa kay Garbin.(Eralyn Prado/JC Cahinhinan)