Petrolyo may bawas presyo

Magkakaroon ng bawas presyo sa mga ­produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa susunod na linggo.

Gayunman, maliit na halaga lamang umano ang ipatutupad na price rollback ng mga ­kompanya ng langis.

Batay sa industry source, maglalaro sa 30 ­hanggang 40 sentimo kada litro ang ibabawas sa presyo ng gasolina, 15 sentimo naman sa ­diesel, ­habang ang kerosene ay magkakaroon ng 20 ­hanggang 30 sentimo na rollback kada litro.

Idinahilan sa price rollback ang pagbaba sa ­presyo ng mga nabanggit na produkto sa ­pandaigdigang merkado.