MABIBILIS at balikatang mga sultada ang papagitna sa malamig na San Juan Coliseum sa pagsisimula mamaya ng “Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association (PGBDA) Stagfighter of the Year” series.
Sa dagsang suporta ng PGBDA members sa pangunguna ni Atty. Hermie Capuchino, tiyak ang magandang labanan mula umpisa hanggang katapusan.
Ayon kay PGBDA business manager William Go nitong Linggo, bukod sa PGBDA Stagfighter of the Year” series, kasali rin ang tropa para 70M Pambansang Digmaan 11-Stag Derby (piggy bank).
May entry fee lang para sa dalawang event na P12,000.
Pagkaraan ng 3-stag elims sa araw na ito, larga ang 4-stag semifinals sa Oct. 21.
Sa Nov. 11 ang PGBDA Stagfighter of the Year series grand finals na isang 5-stag derby.
Makakabaid ng iba pang mga detalye kay Michelle sa 725 5369 o 0905 2016 057. (Enjel Manato).