PGH budget tinapyasan ng ₱456M pondo

Tiyak umanong maaapektuhan ang serbisyo sa Philippine Gene­ral Hospital (PGH) kasunod nang ginawang pagtapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa pondo nito ng mahigit P456 milyon.

Ayon kay Senate Pre­sident Pro Tempore Ralph Recto, ang PGH ang unang opsyon at hu­ling matatakbuhan ng mga mahihirap at middle class kaya’t malaki ang epekto nito sa kanila kung babawasan pa ang pondo ng naturang ospital.

“But for 2020, PGH will be getting a P456 million budget cut. Its appropriations, which is lodged under UP in the proposed 2020 national budget, will be reduced from this year’s P3.23 billion to P2.77 billion next year,” ayon kay Recto.

Iginiit ni Recto na sa halip bawasan ang budge­t ng PGH para sa susunod na taon, dapat dagdagan pa nga ito.

“Instead of getting more funds to treat more patients, and train more doctors, it has been prescribed a P1.25 million daily reduction in budge­t,” wika pa nito.

Bukod sa PGH, dapat umanong dagdagan din ang pondo ng iba pang mga ospital na pag-aari ng gobyerno, tulad ng Vicente Sotto Medical Cen­ter sa Cebu at Southern Philippines Medical Cen­ter sa Davao City. (Dindo Matining)