PGMA at PNoy bubweltahan

Rep. Gloria Arroyo at Dating Pangulong Noynoy Aquino

Bubweltahan ng mga militanteng grupo ang dalawang dating pangulo na nagpahirap umano sa sambayanang Pilipino.

Ayon sa grupong Hustisya, hindi sila titi­gil sa paglabas sa lansa­ngan hangga’t hindi napaparusahan sina dating pangulong Gloria Arroyo na ngayon ay ­Pampanga Representative na at Noynoy Aquino.

Giit ni Evangeline Hernandez, pangulo ng grupo, hindi pwedeng malibre sa pananagutan sina Arroyo at Aquino dahil marami umanong nilabag ang mga ito na karapatan ng mga ordinaryong mamamayan.

Sinariwa ni Hernandez ang madilim umanong pinagdaanan ng mga mili­tante at iba pang sektor sa kamay ni Arroyo kung saan umabot umano sa 1,206 ang political ­killing; 206 ang desaparecidos, 2,059 ang iligal na ina­resto, 1,099 ang tinortur at malawakang militarisasyon sa kanayunan.

Pananagutin din umano ng grupo ang kapabayaan at pagmamalabis sa ilalim noon ni Aquino kung saan namayagpag umano ang human rights violation at dumami ang political pri­soner.