Pinasalamatan ng Malacañang ang Philippine ­National Police (PNP), Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) at iba pa sa matagum­pay na pagdaraos ng ASEAN 50th Foreign Ministers Meeting sa Philippine International Convention ­Center (PICC) mula August 2 hanggang 8.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, naila­gay na naman sa kasaysayan ang Pilipinas dahil sa maayos­ na hosting sa ASEAN meeting lalo na sa pag-iistema sa mga bisita gayundin sa inilatag na seguridad ng mga diplomats, mga bisita at maging ng media na tumutok sa pulong.

Sinabi ni Andanar na nakakatuwang malaman na kontento at mga papuri ang ibinabalik ng mga delegado sa gobyernong Pilipinas dahil sa matagumpay at produktibong meeting ng ASEAN Foreign Ministers sa bansa.