PH at US matatag ang relasyon

Ernesto Abella

Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na nananati­ling matatag at maayos ang relasyon ng gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos sa kabila ng naging­ ­pahayag ng US na nababahala ito sa mga ulat ng e­xtrajudicial killings sa bansa.

“We are open to the opinions and positions of certain governments, but we’d like to reiterate that the relationship between the US and the Philippines remains basically solid, and we have a good relationship,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa ginawang press briefing sa Malacañang kahapon.

Nauna rito ay nagpalabas ng pahayag ang US Department of State at nag-aalala na ito sa gobyerno ng Pilipinas kaugnay sa nangyayaring EJK.

Kasabay ng nasabing pangamba ng US ay nanindigan ito na kailangan pa ring manaig ang rule of law, due process gayundin ang pagkilala sa karapatang-pantao.