Kada taon, iginagawad ng UNICEF Germany ang ‘UNICEF Photo of the Year Award’ sa mga larawan at serye ng larawan na pinakamahusay na nag­lalarawan sa pagkatao at pamumuhay ng mga bata sa buong mundo sa isang natatanging paraan.

Ang daungan sa distrito ng Tondo sa Maynila, nakatira at nabubuhay ang mga bata sa pamamagitan ng pangingisda ng mga bote ng plastik mula sa maruming tubig ng baybayin at ibinebenta ito sa mga nagre-recycle. Sa kaunting suwerte, kumikita sila ng P50 sa isang araw.

Kahit ipinagbabawal ang child labor sa Pilipinas, ang batas na ito ay halos hindi pinapansin sa pinakamala­king slum area ng bansa sa Tondo. Isang lugar na may 70,000 katao ang nakatira sa kada isang kilometro kuwadrado.

Ang kanilang mga barong-barong ay gawa sa yero, karton o kahoy na basura at walang kuryente o pang-inom na tubig. Lantad din ang mga ito sa dengue fever, pagtatae, lep­tospirosis at sakit sa balat, laganap na malnutris­yon at mababa ang pag-asa sa buhay, ang mga bata ay kailangang tumulong kumita ng kaunting pera para sa kanilang mga pamilya.

Ang mga batang babae na karaniwang nasa pagi­tan ng edad 7 hanggang 13, tinatawid minsan ang maruming tubig ng baybayin sa pama­magitan ng balsang kawayan o mga pintuan ng refrigerator, na mapa­nganib lalo na sa panahon ng bagyo. (Mina Aquino)