Isang Pinay maid na namamasukan sa Permanent Representative of the Philippines to the United Nations­ ang nagreklamo ng pang-aabuso laban sa amo at pagpapalayas dito sa kabila ng malamig na panahon.

Sa isang media forum, sinabi ni Susan Ople, presiden­t ng Blas F. Ople Policy Center na naghain ng reklam­o si Milagros Braza sa Department of ­Foreign Affairs (DFA) laban sa dati nitong employer­ na si Ambassador Lourdes Yparraguirre.

Sinabi ni Ople na tumutulong sa mga OFWs, na ipinursige ni Braza ang reklamo laban sa dati nitong employer na si Yparraguirre dahil apektado pa rin ito hanggang ngayon ng inabot na verbal abuse sa dating amo.

“…gusto niya talaga ma-pursue ‘yung case kasi hanggang ngayon, hindi niya makalimutan ‘yung nagawa sa kanya,” pahayag ni Ople.

“Milagros was also with the ambassador in Vienna.­ Doon pa lang, meron nang kakaibang nangyayari sa kanya. But her sworn affidavit focused mainly on what happened to her while in the US. Ang gusto lang niya, I guess, to hold accountable ‘yung kanyang employer,”­ dagdag ni Ople.