Labing-isang siyudad sa bansa ang pagdarausan ng mga nakalinyang aktibidad para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 50th anniversary celebration na papangasiwaan ng Pilipina­s sa susunod na taon.

Kabilang dito ang 30th ASEAN Summit na idaraos sa Marso at Abril sa Mactan Island, Cebu at ang 31st ASEAN Summit sa Agosto na gaganapin naman sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

Ang chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN 2017 ay tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Vientiane, Lao bilang kinatawan ng sambayanang Filipino.

Ang opisyal na pag­lulunsad ng Philippine chairmanship sa ASEAN 2017 ay aarangkada sa Davao City sa Enero 5 sa susunod na taon.

Magiging tema ng iho-host na summit ng bansa ay “Partnering for Change, Engaging the World”.

Ito ay bilang pagpapa­natili sa polisiya ng pagbabago at kooperasyon sa pagitan ng mga kapitbahay na bansa sa Asya at ASEAN partner countries ng Pilipinas.

Sa pagtanggap ng chairmanship sa ASEAN 2017 ay sinabi ni Pangulong Duterte sa harapan ng mga lider sa Asya ang mga katagang “In 2017 we, the Filipinos, are proud to welcome you to 7,107 islands of beauty, wonder and fun that will make a year of memories last a lifetime. Mabuhay at dagahang salamat.”