PH host uli ng 3X3 World Tour

Mascariñas inakyat ang 2 PH 3x3 squad sa world ranking

Host muli ang Pilipinas sa isa sa Internatio­nal Basketball Federation (FIBA) 3×3 World Tour leg matapos ang nakalipas na limang taon kahit nababalot ng kontrobersiya ang pagsasagawa ng internasyonal na torneo.

Punong abala ang Manila ng ikalawang Masters tournament ng 2020 FIBA 3×3 World Tour season na makaka­tulong sa asam ng bansa na mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics sa likod ng Chooks-to-Go imbes na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Inihayag ng basketball world governing body (FIBA) ang World Tour calendar nitong Lunes kung saan naitala ang record na 14 event para sa 2020 Olympic season nito mula sa Mies, Switzerland.

Nakatakda ang Manila Masters sa Mayo 2-3 sa SM Megamall Fashion Hall, Mandaluyong.

Gayunman, ‘di malaman kung sino ang isasabak na pambansang koponan dahil sa nagaganap na hidwaan sa magho-host na Chooks-to-Go at SBP.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nabigyan ng pagkakataon ang bansa na magtaguyod ng isa sa mga torneo. Ang huli ay ang Manila level 10-event nitong 2014 at 2015.

Ikinatuwa naman ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ro­nald Daniel Mascariñas sa pagbabalik ng torneo.

“Last year, 3×3 basketball once again entered the collective cons­ciousness of the Pilipino people. We had three conferences in our local league while also having two international tournaments here, namely the world’s first-ever Super Quest and the Manila Challenger,” aniya. (Lito Oredo)