PH-Kuwait MOU sa mga OFW walang pangil

Walang pangil, kaya pinababasura ni ACTS-OFW Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III ang binalangkas na memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ang naturang kasunduan dapat ang magbibigay ng proteksyon sa Filipino domestic workers sa Kuwait.

“It is basically a vague promise. Draft accord does not guarantee terms set forth by President (Rodrigo) Duterte himself,” pahayag ni Bertiz.

Hindi umano malinaw sa kasunduan ang “enforcement mechanisms” gaya ng labor inspection at hindi rin tinukoy ang parusa sa Kuwaiti employer na mang-aabuso o lalabag sa karapatan ng Filipino domestic worker, batay kay Bertiz.

“Without the means of enforcement or coercion, we cannot expect reaso­nable compliance by Kuwaiti employers,”ani Bertiz.

Ibinabala ng kongresista na kahit mapirma­han ang kasunduan ay mananatiling lantad sa pangmamaltrato at ­pang-aabuso ang mga Pinoy domestic worker.

Umaapela ang solon sa gobyerno ng Kuwait na tigilan na ang pagpaparusa sa Filipino domestic wor­ker na tumatakas mula sa abusadong employer.

Posible rin ayon kay Bertiz na ang malalaking labor recruiter at illegal recruiter ang nagtutulak sa “toothless deal” para magkamal na ng kita kahit na ang kapalit ay pang-aabuso sa kababayang domestic worker.

“It seems they want the President to quickly lift the deployment ban, so they are pushing for this MOU, even if it ­actually guarantees no­thing,” himutok ni Bertiz. ­(Aries Cano)