May panibagong tatlong kaso ng zika virus ang nakumpirma ng Department of Health (DOH) dahilan para pumalo na sa 15 kaso ang naitala sa bansa ngayong taon.
Ayon kay DOH Secretary Paulyn Jean Ubial, ang dalawa sa tatlo ay naitala sa Iloilo City habang ang isa naman ay naitala sa Antipolo.
Nabatid kay Ubial na “locally transmitted” ang zika virus dahil hindi naman lumabas ng bansa ang mga pasyente sa mga bansang apektado ng zika virus.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Ubial ang public na kaagad kumunsulta sa doktor sa sandaling makaramdam ng sintomas ng virus.