Sa hangaring mapag-ibayo pa ang abilidad ng mga sundalo sa pagresponde sa iba’t ibang mga insidente kagaya ng terorismo at kalamidad, tuluy-tuloy ang isinasagawang pagsasanay ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Luzon.
Noong October 2 pa nagsimula ang joint military exercises kung saan matatapos ito sa October 11.
Bahagi ng pagsasanay ang military movement sa baybaying dagat, aircraft maintenance repair, lifesaving training at live-fire demonstration.
Ang nasabing military drill ay tinawag na ‘Kamandag’ bilang ‘Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat.’
Sa nasabing joint military exercises, patunay lamang ito ng matibay na alyansa sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo.