PH women’s 3×3 todong aayudahan

Mascariñas 2 ang bet sa Qatar World 3x3

‘Di lang kalalakihan ang magtatangkang makatuntong sa 3×3 basketball sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Ito ‘y matapos suportahan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang national women’s team sa quadrennial sportsfest.

Pormal na ihahayag ng Chooks ang tulong sa pambansang koponan na binubuo nina Afril Bernardino, Jack Danielle Animam, Clare Castro at Janine Pontejos, at coach Patrick Henry Aquino.

Una munang bibigyan ng Chooks-to-Go ang pambansang koponan ng reward at insentibo ngayon sa isang hotel sa Ortigas Center, Pasig.

Nakatakda ring ipresenta ni Chooks owner Ronald Mascarinas ang plano para sa inaasam na women’s division.

Ang nagtulak sa kampanya ng kompanya na ayudahan ang G­ilas women’s ay bunsod ng pagwalis sa 3×3 at 5×5 basketball gold medal ng 30th Sou­theast Asian Games PH 2019 nitong Disyembre. (Lito Oredo)