Isang panukala ang isinusulong sa Senado upang ma-phase out ang produktong single-use plastic sa bansa sa pamamagitan ng batas na magbabawal sa pag-aangkat at paggamit ng plastik sa mga establisimyento tulad ng restaurant, store, market at maging sa retailer.
Kapag naisabatas ang Senate Bill 1948 o ang Single-Use Plastics Regulation and Management Act of 2018 na isinumite ni Senador Loren Legarda, ma-momonitor na ng mga kinauukulang ahensiya at awtoridad ang manufacturing, importasyon at paggamit ng produktong single-use plastic sa bansa.
Mandato rin ng panukala na magpataw ng parusa, levies at insentibo sa mga industriya, malalaki at maliliit na negosyo at maging sa konsyumer.
Ayon kay Legarda, chairperson ng Senate climate change committee, ang mga produktong single-use plastics ang dahilan ng nagkalat na basura, pagbabara ng mga estero, at paglalagay sa panganib ng mga marine animal at ecosystem.
“Single-use plastics, such as cigarette butts, drinking bottles and caps, food wrappers, grocery bags, lids,
straws, stirrers, and take-away containers, are immediately discarded and end up in landfills. They are harmful for the environment and human health because they pollute our water; cause blockages in sewerage and drainage systems, which lead to flooding; and release toxic emissions when burned,” paliwanag nito.
Aniya, makatutulong ang panukalang ito para komprehensibong matugunan ang single-use plastics problem ng bansa.