PhilHealth magtataas ng singil sa 2020

Magpapatupad ng ka­ragdagang premium rate sa taong 2020 ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na 0.25% premiu­m rate increase dahilan para uma­bot ang taunang kontribusyon sa P21,600.

Ito ay sa kabila na hindi pa naipapatupad ang karagdagang benepisyo ng mga miyembro alinsunod sa implementing rules and re­gulations (IRR) ng Republic Act No. 11223, o Universal Health Care (UHC) Act.

Nabatid na ang mga direktang kontribusyon ng mga manggagawa, professional at iyong mga taong may kapasidad na magbayad ng PhilHealth premiums ay malamang umabot ang rates rise mula sa 2.75% hanggang 5% sa 2024.

Nangangahulugan na mula 2020 hanggang 2024, ang taong kumikita ng P10,000 kada buwan ay magkakaroon ng premiu­m na P3,600 hanggang P6,000 kada taon.

Sakop rin ng IRR ang overseas Filipino workers (OFWs), ay may fixed na annual rate na P2,400. (Juliet de Loza-Cudia)